Sunday, December 11, 2005

Vignette: Missing You (PG-7)(Filipino)

I got this from my Friendster Blog. I don't know why I wrote this. It's nothing much, really. It doesn't even make sense. By the way, this story is a product of the twisted imagination of the author, any similarities with real life events may or may not have been intentional.

Please don't hurt me.

Missing You


Alam mo, bagay talaga kayo eh. You complement each other. Mature siya (ito ang mabait na paraan kong pagsasabi na matanda na siya, gurang, tuyot, pinagsawaan na ng panahon, etc. etc.) at ikaw, madalas parang batang tatangatanga. Mukha siyang intsik na nagbebenta ng gamot na pampalaki ng t*te na hindi tumatalab sa kanya at ikaw naman, mukhang starlet na kakatapos lang magpictorial sa Star (yung tabloid, hindi yung diyaryo).

Bagay nga talaga kayo.

Kung merong pares na pinagsama ang mga kampon ng kadiliman ni Kupido na perpekto para sa isa't-isa, kayo na yon. Huwag na nating isama sila Tin at Mike, hindi pa ipinapanganak yung dalawang yon, ipinangako na sila sa isa't-isa ng tadhana. Espesyal sila, hindi parang tayo. Tao lang tayo, nahihirapang hanapin ang pag-ibig na wagas na tatagal ng habang panahon.

Bagay na bagay talaga kayo. Bakit nga ba ulit kayo nagbreak? Ah, oo nga pala, kasi gago siya. Alam na 'yon. Wala ka pa namang nagiging matinong boypren eh. Hiramin mo na lang kaya si Mike kay Tin ng isang araw, para kahit isang araw lang sa buhay mo magka-boypren ka ng matino. Mabait naman si Tin kahit ganun yun. Papayag yun.

Ha? Hindi ako bitter. Bakit naman ako magiging bitter eh ang saya nga namin ni 'Selle ngayon? Siguro, dati, nung madalas pa kaming magaway ni Selle, bitter ako, pero ngayon? Wala akong dahilan.

Ewan. Bakit ba kita iniisip ngayon?

Siguro dahil na-miss na naman kita.


Dedicated to the Katipips and dLR. I miss you guys...

No comments: